An Organization of OFWs for the OFWs and The Filipino Family!
"Sponsored Links"
PEBA EXCHANGE RATE,
Search This Site
Showing posts with label safety. Show all posts
Showing posts with label safety. Show all posts

Saturday, July 12, 2014

THINGS TO REMEMBER BEFORE RIDING THE TAXI




THINGS TO REMEMBER BEFORE RIDING THE TAXI AT NAIA, METRO MANILA AND ABROAD




THINGS TO REMEMBER BEFORE YOU RIDE A TAXI AT:




NAIA

1.Huwag makisabay ng taxi sa hindi niyo kakilala sa airport. Maraming kaso na naghahanap ng paraang makatipid, yun pala magnanakaw, manghoholdap o nagpapanggap ang kahati sa bayad sa taxi. Sa panahon ng taggipit hindi maiwasang may mga taong magsasamantala sa mga OFW sapagkat alam nila na may dala itong pera o gamit sa bakasyon.
2.Iwasan ang taxi  na panay ang pahinto-hinto at patawag-tawag ng celpon. Maaring tumatawag ito ng kakuntsaba para sa holdap o mananambang sa daan.
3.Huwag hayaang buksan ang trunk ng taxi habang nakahinto o nagpapagasolina ang taxi. Maaring masalisihan kayo ng mga gamit.
4.Kausapin ang driver kung magkano ang singil at huwag kaagad sumakay hanggat hindi nagkasundo sa bayad. Kadalasan, ang hindi malinaw na bayaran ang dahilan kung bakit napapaaway pa ang mga OFW.
5.Mag-ingat sa mga MMDA o Pulis daw na humihingi ng pera o mga isanlibong tip o kunwari may violation ang driver o kaanak na may dala ng sasakyan.
6.Huwag magpasakay ng kahit kanino sa taxi kahit pa kakilala ng driver. Maaring maholdap kayo sapagkat nakarinig na tayo ng mga ganitong kaso.

MANILA


1.May mga nanghoholdap, yung iba nagtatago ang kasabwat sa trunk  ng taxi at tumityempo.
2.May mga gumagamit daw ng chemical spray na nakakahilo, nakakanigas ng paa at kamay.
3.May mga di tama ang meter ng taxi. Flagdown pa lang, sobra na sa kalahati ang bayad mo kapag di mo nababantayan.
4.May mga namboboso, o nagkukuwento ng mga malalaswa lalo pa’t nag-iisang babae ang sakay.

5.Pagsakay ng taxi, kunin o picturan ang plate number at name ng taxi at isend sa mga kamag-anak para ipaalam na ito ang inyong sinakyang taxi. Walang masama sa nag-iingat.


ABROAD


1. Iwasang sumakay ng taxi na nag-iisa lalo na kung malalayong lugar at madilim na o gabi.

2. Iwasan ang makipag-usap sa driver ng mga bastos o malaswang usapin.

3. Kunin ang plate number ng taxi at itext sa mga kasama o isend sa inyong kakilala upang ipaalam na ito ang inyong sinakyan.

4. Makipag-usap ng bayad bago sumakay lalo kung galing airport o papuntang airport.

5. Iwasang sumakay sa mga pampublikong taxi na naniningil ng 2SR at maraming pasahero. May mga sakay na biglang sisigaw na nawala ng wallet o pera at ikaw ang ituturong kumuha, kukunin ang pera mo sa wallet at sasabihing sa kanya iyun.

Ingat po mga KABAYAN.

©2014 THOUGHTSKOTO

Wednesday, June 18, 2014

Why it is More Safer To Wrap Your Baggages at the Airport?


Please share this very important message especially to our fellow OFWs going home for vacation or going back here or anywhere in the Middle East





(Pakishare ng mensaheng ito sa lahat ng mga kababayang bumibiyahe lalo na sa mga OFWng nagbabakasyon o papabakasyon o pabalik sa abroad lalo na sa Middle East!)
(Our baggage that is not yet covered by plastic)

We heard different stories about incidence where an OFW who is going home, or going back after annual vacation complained about baggage being ripped, some valuables was stolen, or worst, was arrested for allegedly carrying dangerous drugs)
Maraming beses na tayong may mga narinig na insidente na kapag ang mga papauwing OFW ay nasa airport, maaring nabuksan, nabutasan o nawalan ng mga dala-dala, o bahagi ng dala sa maleta o karton. 
May mga kuwentong tinutusok ng matulis na tubo, ipapasok ang kamay saka maghahablot ng anong bagay na pwedeng makuha sa loob ng baggage. Meron namang bag na ballpen lang ang itutusok sa may zipper at mabubuksan na ang maleta. 


Para maiwasan ito, nirerekomenda namin ang magpaWRAP ng inyong mga bagahe. Isang maleta ay nasa 20SAR lamang kung kayo ay nasa Saudi Arabia, panatag pa ang inyong loob na hindi magagasgasan o masisira ang inyong maleta o boxes, at safe pa sa mga may masasamang binabalak. Sa mga airport ng Saudi Arabia, o sa mga karatig bansa ay may mga MACHINE WRAPPER na nakalagay sa terminal ng airport bago ang pagchecheck-in. Kung sakaling wala nito sa inyong lugar, bumili ng isang roll ng CLING FILM at ipaikot sa bagahe hanggang mabalot ito.

 
(Ang aming mga bagahe pauwi ng Pilipinas pagkatapos balutin ng Machine Wrapper sa Airport)


Kung ikaw naman ay papabalik na ng ibang bansa pagkatapos ng bakasyon o bago pa lamang aalis ng bansa para mangibang bayan o mag-aabroad, AMING INIREREKOMENDA AT INAANYAYAHAN ANG LAHAT NA IKALAT ANG REKOMENDASYONG ITO sapagkat ito ay IMPORTANTE, MAHALAGA para sa ating kapakanan at kaligtasan.

(Halimbawa ng bagahe/maleta na binalot gamit ang Cling Film Wrapper)

May mga insidente na ang isang Kabayan na papuntang abroad, lalo na sa Middle East area ang nakulong, o nagkaproblema dahil sa mga bagay na hindi nila kagagawan. May mga kwento ng nasingitan ng DROGA o kung ano-anu pa ang maleta, bag, o boxes papuntang MIDDLE EAST, CHINA, MALAYSIA o ibang bansa at ang HATOL SA MGA KRIMEN ng DRUG TRAFFICKING, kahit sabihin mo pang hindi mo ginawa ay KAMATAYAN o PAGBITAY o PAGPUGOT-ULO. Nakakapanlulumo ang ganitong insidente.
Para maiwasan ang mga bagay na ito, iwasan ang pagdadala o paglalagay sa maleta ng mga ipinagbabawal ng mga bansang ating pupuntahan o babalikan. Bumili ng CLING FILM WRAPPER kagaya ng mga nasa larawan, at pagkatapos mailagay ang mga kagamitan sa maleta ay lagyan ng susi, at ibalot ng CLING FILM. Sa ganitong paraan ay maiwasan na may makapapagbubukas ng inyong maleta o boxes, at maisingit ang kung anu pa man na siyang magiging dahilan ng ating kapahamakan.




©2014 THOUGHTSKOTO

Join Us on Facebook