Kung ikaw at hihingan ng advise nang first time na magiging OFW, anong maipapayo mo?
Narito ang ilan sa kanilang mga sagot:
Baldapan Jhean: Sa mga baguhan maging wise sa pagpapadala, dapat may ipon ka din sa sarili mo para pag-uwi mo may baon ka. Hindi biro ang mag-abroad.
Natalie Biolango: Be prepared your unlimited patience. Mahalin mo ang trabaho, kung gusto mong maabot ang hangarin mo sa buhay.
Clydemb Bonioa: Huwag ka magtiwala sa mga kapwa mo Filipino. Huwag kakalimutan magdasal.
Madeline Lequit Plata: Maging matataf ka sa paglaban sa homesickness. Unang-una gawing inspirasyon ang pamilya mo ng sa ganoon tumagal o magtagal ka sa trabaho bilang isang OFW.
Annaleza Greva: Huwag bumarkada sa partygoers kasi wala silang maitutulong kundi butasin lamang ang bulsa ninyo. Habang kayo ay nasa abroad mag-ipon.
Elissa Jamora: Hindi madali ang maging OFW. Ibigay mo lahat kay God na sana maging maayos ka at matapos ang inyong kontrata. Samahan mo ng maraming maraming sipag, tiyaga, at pagtitiis. Maging mabuti sa trabaho at kasamahan.
Ree Sah: Learn to say NO sa mga hinihingi ng inyong pamilya. Huwag mangungutang para lang may maibigay para sa kanila. Dapat may sarili kang bank account na hindi dapat galawin, para pag-uwi mo may ipon ka at nang di mawalang saysay ang pagtrabaho mo sa ibang bansa.
Lee Canete: 1. Alamin ang status ng agency sa POEA.
2. Alamin kung may Job Order ang Agency para sa posisyon o trabahong inaplayan. Kung legal ang proseso, ibigay sa inyong pamilya ang lahat ng detalye na dapat nilang malaman, name ng agency, address, contact person at telepono, name ng inyong magiging employer, address sa abroad, at contact info.
3. Kung ang trabahong inaplayan ay bilang kasambahay (DH, Family Driver, Cook) wala ang dapat bayarang Passport, Medical at prosessing fee ang ang dapat mong bayaran.
4. Kung ikaw ay sa Private Company mag-work ang Placement Fee mo ay dapat katumbas lamang ng isang buwang basic salary mo. Pwede mo I-request sa agency na pagawang salary deduction ng kumpanya ang placement fee mo.
5.Pagdating sa trabaho sa ibang bansa, magpakita ng kasipagan at magiging mabati sa mga employers. Kunin agad ang loob nila upang maging magaan ang pakikitungo nila saiyo.
6. Huwag ilagay sa isip ang luho gaya ng mga gadgets. Ilagay sa isip ang mga plano sa buhay para sa sarili o pamilya gaya ng pagbili ng lote o bahay, pampuhunan sa binabalak na negosyo at iba pa na pangmatagalang paglalagyan ng perang iyong pinaghirapan.
7. Huwag basta basta magbibitaw ng pera sa mga kamag-anak para huwag sila magsimulang umasa saiyo. Sa simula pa lang matutung magsabi ng hindi. Liban na lamang kung emergency cases at talagang mahigpit ang pangangailangan sa pera. 70% ng mga nangungutang ng OFW ay hinsi nakakapagbayad.
8. Iwasan ang mga bagay na alam mong bawal sa bansang kinaroroonan mo. Matutung makibagay sa mga kinagisnang kaugalian o tradisyon ng mga employer ninyo.
9. Mag-ipon, Mag-ipon. Ang pagiging OFW ay hindi pangmatagalan. Walang kasiguraduhan kung hanggang saan makakaya ng ating katawan ang pagtatrabaho sa abroad. Mag-ipon habang maaga pa.
10. Kung magkaroon man ng problema sa employer, agad magsabi sa inyong pamilya na magreklamo sa inyog agency. Sabihan nila ang taga agency na kapag walang ginawang aksyon pati ang agency nila ay irereklamo nila sa POEA Ortigas at DOLE.
Rosebenser L. Serraon Para
sa akin na dating ofw, ay tungkol sa babae, ay huwag nang mag abroad sa
Saudi, Kuwait, dahil yang karamihan na mga arabo ay sadista at
manyakis, tapos bugbogin kapa at pagminalas ay mapatay ka pang, huwag na
silang paakit sa free placement at processing
dahil pagdating mo doon ay kawawa ka lang at di ka pa mabigyan ng
sahod. Noon talagang kapit sa patalim ang mga pinoy, pero ngayon si
duterte na ang Presidente ay nkaginhawa na sa kahirapan ang mga tao,
unti unti nga lang at bigyan natin ng panahon ang ating gobyerno na
maayos nila ang lahat. Katulad ng sa ospital at gamot ay nakakalibre na
tyo, lumapit ka lang sa lingap ay hindi ka mapahiya, tapos bago ay libre
na ang college sa mga universities di ba, at marami pang mga charities
dito na hindi natin alam, hopefully bago matapos ang termino ni duterte
ay nakaahon na tyo sa kahirapan, syempre kahit papaano ay kailangan din
natin mag trabaho locally para meron tyong makain at pamdamit di ba,
God bless.
Bâe Shâng Physically
& mentally ready kang mag abroad.. Hindi yung nag abroad ka dahil
na inggit ka,di madali ang buhaY Ofw.. Ibat ibang lahi ang maka salamuha
mo at dapat marunong kang makisama..obey the law of the country kung
saan bansa ka man.kung ikaw ay pamilyado
sa pinas,panindigan mo Hindi yung pagdating sa ibang bansa magiging
single ka bigla.at dapat money management huwag gasto dito gastu doon
kung anung uso dapat meron ka,huwag ganyan mag ipon ka dahil di pang
habambuhay ang pag aabroad..
Bee Mee First dapat handa 100% ang puso at isip mo na tanggaping mag aabroad ka meaning malayo sa pamilya
2nd,hwag mag expect ng mataas na kahit anong bagay kung saang bansa ka magtratrabaho
3rd dapat alam mo at binasa kung ano ang penermahan mong papelis,research
kung ano ang batas na dapat at hindi dapat ng ibang bansa,hindi basta2x
mag trust sa ibang tao,maging matatag at pray always
4th,no matter what happen kunin mo ang mga contacts # na maaaring makatulong sayo anytime,like OWWA,embassy etc.
Be yourself,makinig ng mabuti...in touch w/ family and make the best time as you can.
Jocel Jose Una
po, pray to have a good employer. Kalimutan muna pamandalian kng
ano man un iniwan mo sa pinas for ur own good. Maging masipag sa
trabaho at tapat sa employer kc kapag masipag ka at
mapagkatiwalaan mamahalin ka ng employer mo.
Huwag maghangad ng mga bagay na hindi iyo lalo na d mo kayang
bilhin.habaan ang pasensya huwag laging iniisip ang mga taong
iniwan mo sa pinas kc malulungkot ka lng.dahilan ng homesick.mag
focus sa trabaho at maging matalino sa mga bagay bagay bago mo
gawin.
Yam-yam Salvador Ang
pag aabroad ay hindi isang simple desisyon.. Kong may pamilya ka hindi
lang isang beses ka dapat mag isip subalit pa isipan ng maraming
beses... Kailangan mo ng tibay ng dibdib, lakas ng loob at maraming
patient kasi lahat ng attitude ng ibang tao ay makakasalamuha...
Matutong mapanuri at pag aralan ang lahat... Especially sarili lang ang
pagkatiwalaan... Buhay abroad... Good luck! and God bless.
Ferlita Sabas Candela Dapat
bou ang pangarap at layunin mo sa isip at puso,lubos ang tiwala sa
Dios. 100%; na kaalaman sa batas at mga sangunian ng OFW,if agency totoo
b at license sila. background ng employer,sapat na suweldo at dapat
alam ang tel. number ng consulate na
bansang pupuntahan mo,number ng tulfo brothers at ng POAE,agency, at
family mo. Ipaalamo sa amo mo na alam mo ang employer and employee
relationship strictly work with regular salary basi sa contract.
Maging matapang at matatag,you should know your human right.
Luisito Pascual kung first timer ka saan panig k man ng mundo magpunta pinaka the best siguro na alamin mabuti ang cultura ng bansa na iyong pupuntahan alamin ang mga mahigpit na ipinagbabwal sa bansa na iyong pupuntahan kapag alam mo na ang mga bawal wag mo ng subukan gawin upang makaiwas at malayo sa kapahamakan.
lagi mo alalahanin ang iyong pamilya na laging naghihintay sayong maayos na pagbabalik.
Leciram Onidnab Roma Dapat emotionally stable ka bago ka mag.abroad. Hirap kalabanin ang lungkot na malayo sa pamilya. Tatag at paniniwala sa sarili. Wag basta basta magtitiwala at laging isa.isip na hindi madali ang trabaho na iyong papasukin. Always expect the worst scenario para pag anjan ka na sa sitwasyon na yan madali mo malalagpasan.