An Organization of OFWs for the OFWs and The Filipino Family!
"Sponsored Links"
PEBA EXCHANGE RATE,
Search This Site

Wednesday, June 18, 2014

Why it is More Safer To Wrap Your Baggages at the Airport?


Please share this very important message especially to our fellow OFWs going home for vacation or going back here or anywhere in the Middle East





(Pakishare ng mensaheng ito sa lahat ng mga kababayang bumibiyahe lalo na sa mga OFWng nagbabakasyon o papabakasyon o pabalik sa abroad lalo na sa Middle East!)
(Our baggage that is not yet covered by plastic)

We heard different stories about incidence where an OFW who is going home, or going back after annual vacation complained about baggage being ripped, some valuables was stolen, or worst, was arrested for allegedly carrying dangerous drugs)
Maraming beses na tayong may mga narinig na insidente na kapag ang mga papauwing OFW ay nasa airport, maaring nabuksan, nabutasan o nawalan ng mga dala-dala, o bahagi ng dala sa maleta o karton. 
May mga kuwentong tinutusok ng matulis na tubo, ipapasok ang kamay saka maghahablot ng anong bagay na pwedeng makuha sa loob ng baggage. Meron namang bag na ballpen lang ang itutusok sa may zipper at mabubuksan na ang maleta. 


Para maiwasan ito, nirerekomenda namin ang magpaWRAP ng inyong mga bagahe. Isang maleta ay nasa 20SAR lamang kung kayo ay nasa Saudi Arabia, panatag pa ang inyong loob na hindi magagasgasan o masisira ang inyong maleta o boxes, at safe pa sa mga may masasamang binabalak. Sa mga airport ng Saudi Arabia, o sa mga karatig bansa ay may mga MACHINE WRAPPER na nakalagay sa terminal ng airport bago ang pagchecheck-in. Kung sakaling wala nito sa inyong lugar, bumili ng isang roll ng CLING FILM at ipaikot sa bagahe hanggang mabalot ito.

 
(Ang aming mga bagahe pauwi ng Pilipinas pagkatapos balutin ng Machine Wrapper sa Airport)


Kung ikaw naman ay papabalik na ng ibang bansa pagkatapos ng bakasyon o bago pa lamang aalis ng bansa para mangibang bayan o mag-aabroad, AMING INIREREKOMENDA AT INAANYAYAHAN ANG LAHAT NA IKALAT ANG REKOMENDASYONG ITO sapagkat ito ay IMPORTANTE, MAHALAGA para sa ating kapakanan at kaligtasan.

(Halimbawa ng bagahe/maleta na binalot gamit ang Cling Film Wrapper)

May mga insidente na ang isang Kabayan na papuntang abroad, lalo na sa Middle East area ang nakulong, o nagkaproblema dahil sa mga bagay na hindi nila kagagawan. May mga kwento ng nasingitan ng DROGA o kung ano-anu pa ang maleta, bag, o boxes papuntang MIDDLE EAST, CHINA, MALAYSIA o ibang bansa at ang HATOL SA MGA KRIMEN ng DRUG TRAFFICKING, kahit sabihin mo pang hindi mo ginawa ay KAMATAYAN o PAGBITAY o PAGPUGOT-ULO. Nakakapanlulumo ang ganitong insidente.
Para maiwasan ang mga bagay na ito, iwasan ang pagdadala o paglalagay sa maleta ng mga ipinagbabawal ng mga bansang ating pupuntahan o babalikan. Bumili ng CLING FILM WRAPPER kagaya ng mga nasa larawan, at pagkatapos mailagay ang mga kagamitan sa maleta ay lagyan ng susi, at ibalot ng CLING FILM. Sa ganitong paraan ay maiwasan na may makapapagbubukas ng inyong maleta o boxes, at maisingit ang kung anu pa man na siyang magiging dahilan ng ating kapahamakan.




©2014 THOUGHTSKOTO

Join Us on Facebook