An Organization of OFWs for the OFWs and The Filipino Family!
"Sponsored Links"
PEBA EXCHANGE RATE,
Search This Site

Monday, February 9, 2015

Kwento ng Isang OFW Galing Bahrain Matapos Bugbugin At Sunugin Ang Mukha Ng Malupit Na Asawa


Isang kahabag-habag na kwento tungkol sa sinapit ng isang OFW na nagtatrabaho sa Bahrain ang ating nakalap. 










Ang kwento ni kabayan at naipalabas na rin sa local news.  Ang ating kabayan, tunay na pangalan at Racedha Autor at ang kanyang asawa na si Jilvinson Bandivas Pagaling, ay sampung taon ng mag-asawa. Dalawang taon ang nakalipas ng nagpasya na mangibang bansa si kabayang Racedha, kung saan nagtrabaho sya sa Bahrain. Sa kasamaang palad, ang pera na ipinapadala nya para sa pamilya partikular para sa dalawa nilang anak ay winaldas lamang mister sa bisyo at kabit nito. Ang masaklap pa dito, nalaman ni kabayan na walang natira sa savings nya matapos syang magpakahirap na mawalay sa mga anak upang makapagtrabaho sa ibang bansa. Ang kanyang padala para sa mga anak, ay napunta at ginamit ng asawa na puhunan para sa pagbenta ng illegal na baril at sa kabit nito. Malungkot ang sinapit ng kanyang pamilya ngunit sinikap nya na maayos na makipaghiwalay sa kanyang mister alang-alang sa kanilang anak. Sa kanilang paghihiwalay, napagkasunduan nila na ibenta ang kotse na naipundar para magamit ang pera at makapag simula.


Ngunit ang akala ni kabayan na umpisa ng bagong buhay nya, umpisa ng mas masakit na pagpapahirap sa kanya ng kanyang asawa. Sa kanilang pagkikita para makaharap umano ang buyer ng kanilang sasakyan, ay bugbog at paso sa mukha at katawan ng mainit na kawali
ang kanyang inabot sa malupit na asawa at sa kanyang brother-in-law na si Joel Francis Kane Pagaling . Habang binubugbog at pinaplantsa sya ng mainit na kawali ang kapati umano ay nagpadlock ng gate upang hindi sya makalabas at makahingi ng tulong. Makalipas ang 15 minutes ay tsaka laman nabuksan ang gate upang


makalabas sya at makapunta sa hospital. Nagtamo sya ng 3rd degree burn.



v













Nagsampa na ng kaso si kabayan ngunit hanggang ngayon hindi pa rin naaresto ang kanyang mister, hindi pa din daw kasi makapag issue ng warrant of arrest ang pulisya. Natatakot si kabayan sa pwedeng mangyari, dahil hanggang ngayon nakakatanggap pa rin sya ng pagbabanta mula sa asawa. At ayon sa kanya ang kanyang father-in-law ay retired Major ng Marine, at maraming koneksyon. 

Sa kasalukuyan naghahanda si kabayan sa hearing nya sa Feb 16 sa Pasig City Hall. Dahil ang court pa daw ang magdedesisyon kung bibigyan ng arrest warrant ang asawa na nambugbog at sumira sa kanyang kinabukasan. 




©2014 Pinoy Expats/OFW Blog Awards

Join Us on Facebook