ANG BALABAL
Blog Entry of Support for PEBA 2010 by Duking
of
(In behalf of the men and women of PEBA Blog Awards and the millions of OFWs around the world, Thank you!)
Baguhin mo ang simbolo at kahulugan ng iyong watawat habang nariyan ka.
Ang pula ay gawin mong katapangan at katatagan ng loob na minana mo sa iyong Ama at Ina.
Ang asul ay hayaan mong maging ala-ala ng kapayapaan ng bughaw na langit at dagat sa iyong bayang sinilangan.Ito rin ang tahanang kumupkop sa iyo at nagbigay kapanatagan at kalinga sa lahat ng masasayang ala-ala na tinipon mo ngayon sa iyong dibdib.
Ang puti ay manatiling salamin ng iyong mabuting adhika at busilak na layunin na siyang dahilan ng iyong pag-alis.
Hayaan mong bantayan ka ng mga panalangin ng tatlong bituin sa mga gabi ng iyong pag-iisa- ang iyong pamilya, ang iyong mga kaibigan at ang bansa’t lipi na iyong pinaha-halagahan.
Ang araw naman ay manatili sana sa paghahari sa gitna ng sarili mong puso.
Ikaw ang magbigay ng sariling pakahulugan sa kanyang walong matatalas na sinag at hayaan mong kuminang ka mula sa kadiliman ng iyong pag-iisa…
Ibalabal mo ang watawat na ito sa iyong pagkatao.
Habang ikaw ay buhay pa’t pumipintig ang puso sa pangungulila sa mga minamahal.
Gawin mo itong pananggalang sa lamig ng pakikitungo sa iyo ng ilan sa ibang lahing makakasama mo’t paglilingkuran.
Gawin mo itong pananggalang sa init ng tukso na nag-aabang sa iyo sa malayong bayan.
Gawin mo itong pamunas ng luha, pawis at dugo na ibubuhos mo sa ngalan ng kabutihan ng iyong mga mahal sa buhay at bayang nilisan.
Ngayon habang ika’y buhay pa’t mananatiling buhay dahil sa dangal ng sarili mong adhika.
Aanhin nga ba ang watawat na iniyayakap sa malalamig na ataul nilang mga sinawing-palad sa ibayong dagat?
Ngayon, higit kailanman – ikaw bilang isang Filipino na itinuturing na bayani ng bagong panahon ang siyang nararapat na kalingain ng telang iyan.
Ngayon habang ikaw ay buhay pa’t mananatiling buhay dahil sa dangal ng iyong adhika.
Ika’y guro, doktor, inhinyero at nurse.
Ika’y accountant, entertainer, sundalo at siyentipiko.
Ika’y magsasaka, karpintero, mekaniko at panday.
Ika’y hiram na manggagawa nilang mga bansang iyong binubuo at kinakalinga.
Sa ganito mong paraan binubuong pilit ang sarili mong bansa’t pamilyang pansamantalang iniwan.
Ika’y propesyunal sa sarili mong larangan.
IKA’Y FILIPINO!’
*****************************************************************
Get a chance to win a free t-shirt and a tote bag if you can answer our trivia questions for today. We'll be giving away free shirts and a bag for the first two commenters who can answer PEBA trivia correctly. PEBA was founded by Mr. Jebee Kenji Solis, an OFW based in Saudi Arabia, it was founded to recognize the growing popularity of blogging among the Overseas Filipino Workers all over the world, the first question is, when was PEBA first launched? After the PEBA2008 success , PEBA 2009 was launched simulataenously. Hundreds of Support PEBA banners were posted in almost how many blogging sites?
There you have it, answer these questions correctly and you'll get a chance to have a free t-shirt and a tote bag from PEBA. What are you waiting for? Start looking for the answers now!
©2010 Pinoy Expats/OFW Blog Awards