17 AWARDS/TROPHIES IGAGAWAD SA MGA PINOY BLOGGERS
Sa makabuluhang panulat ng mga Pinoy bloggers na nakabase sa Pilipinas at may kamag-anak na OFW or tinatawag ng PEBA na “OFW Supporters” na nasa iba't-ibang bahagi ng kapuluan at bilang kabahagi ng lumalagong pamilya ng KABLOGS ay hindi maitatangi ang kanilang malaking kontribusyon sa daigdig ng blog kung saan ang kanilang mga tunay na kwento ng buhay ay nagbigay inspirasyon, nagpatawa, may ilan ding nagpaluha at humaplos sa puso ng mga mambabasa hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba't ibang bahagi ng mundo na sinusubaybayan ng mga OFW.
Sila ang mga OFW supporters na sa kanilang mga panulat ay nakikibahagi sa mga adhikain ng Kablogs upang mapagbuklod ang mga blogistang Pinoy bilang pagkilala sa kadakilaan ng mga OFW at Pinoy Expats at ng kanilang naiwang pamilya sa Pilipinas - sa di matawarang sakripisyo sa pamamagitan ng pangingibang-bayan upang mapagtagumpayan ang kahirapan na pinagdadaanan ng lahing Pilipino sa sariling bayan.
At bilang pagkilala sa likhang sining ng mga blogistang ito ay binuksan ng PEBA sa kauna-unahang pagkakataon ang patimpalak sa kanila bilang “OFW Supporters” at hinihikayat na maging bahagi ng prestihiyosong awarding organization sa tema ng PEBA 2010 na – “Pagtibayin ang Pamilyang OFW : Matibay na Tahanan Para Sa Matibay Na Bansa” or Strengthening the OFW Families: Stronger Homes for a Stronger Nation.”
Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng PEBA sa Disyembre 16, 2010 ay masasaksihan ng Pilipinas at ng buong mundo ang pagtatanghal sa mga namumukod tanging OFW Supporters at pawang naninirahan sa Pilipinas na gagawaran ng parangal sa mga sumusunod na 17 kategorya:
2010 Top Ten (10) Blog Winners
One (1) Outstanding Blog - Metro Manila Winner
One (1) Outstanding Blog - Luzon Region Winner
One (1) Outstanding Blog - Visayas Region Winner
One (1) Outstanding Blog - Mindanao Region Winner
One (1) Most Voted Online Blog Winner
One (1) Most Commented PEBA Blog Entry Winner
One (1) Best Blog layout and Design Winner
Ilan lang ito sa mga parangal na inihahanda ng PEBA 2010, di pa kabilang ang mga sorpresang parangal na ibabahagi ng mga "Sponsors at PEBA Partners" sa mga Nominees.
Ikaw kabayan, ito na ang pagkakataon upang sa pamamagitan ng iyong malikhaing kaisipan ay maibahagi mo ang iyong angking kakayahang lumikha ng blog upang humaplos sa puso ng pamilyang Pilipino at ng mundo. Huwag mong ipagkait ang iyong talentong Pinoy sa ating mga kababayan na naghahanap ng kalinga, ng pag-asa, ng liwanag sa panahon ng kalungkutan sa kanilang pangingibang-bayan. Ang iyong panulat nawa'y maging susi para mapagtibay ang pagsasama ng mga OFW na kinikilala nating Modern Day Heroes sa kanilang mga naiwanang pamilya sa Pilipinas at nawa'y sa iyong panulat matagpuan namin ang bagong "Blogging Heroes" ng PEBA 2010.
Kaya't halika na, sakay na sa PEBA Jeep at bumiyahe na tayo patungo sa daan ng paglikha sa pamamagitan ng pagfill up sa Nomination Form - ako ang iyong driver, kumapit ka at ihahatid kita sa PEBA 2010.
Note: Jeepney photo used from The Philippine Jeepney by Godofredo Stuart of StuartXchange
©2010 Pinoy Expats/OFW Blog Awards