An Organization of OFWs for the OFWs and The Filipino Family!
"Sponsored Links"
PEBA EXCHANGE RATE,
Search This Site

Monday, January 27, 2014

Statement and Video of Cedric Lee, The Guy Who Allegedly Beat Vhong Navarro

Para maging patas po tayo, ito ang isang version ng kwento sa panig ng diumano'y si Cedric Lee na nambugbog kay actor-comedian na si Vhong Navarro




Ito ang video at transcript ng panayam

“We were supposed to go out together… This is my sister, Bernice Lee, with one of our friends Mr. Zimmer. We were supposed to pick Ms. Deniece Cornejo at her condo unit at Forbes Woods in The Fort… We arrived at around 10:30 to 11:00pm, I forgot the exact time. When we went up to the second floor upon reaching the door of her condo unit, we heard some screamings inside and we thought na may nag-aaway lang… 



Fortunately the door was unlock, we were able to go inside. Wala namang tao sa sala tapos dumeretso kami doon sa bedroom dahil yung bedroom naman nila ay kurtina lang walang pintuan. Nakita ko doon ang isang lalaki nakahubad na, nakababa na yung shorts niya. Nakapatong kay Deniece at si Deniece ay nagsisisigaw at nagpapapadyak doon sa lalaki. 



So yung instinct ko, I grabbed him from the back at hinila ko siya pababa ng kama. Si Deniece tumayo na at tumakbo sa sister ko. Nilabas na siya kaagad ng sister ko palabas ng condo unit. So ang naiwan sa condo ay ako at yung lalaki na hindi ko pa nakilala na that time si Vhong at si Zimmer. Pumapalag itong lalaking ito nang gusto naming siya dalhin sa presinto, pumapalag siya at nanuntok siya, pilit sinusuot ang pants niya. Napagtulungan naming siya ni Zimmer dahil dalawa naman kami. 



Nahila naming siya palabas ng bedroom. Nahila namin siya sa sala at pilit naming siya pinipin-down para maaresto siya at madala sa presinto kaya lang sa kakapalag niya, nanuntok siya muna. Napilitan na rin naming siyang suntukin pabalik hangga’t sa naupakan na naming siya ng ganun at nagkabasag-basag ang mukha niya. Buti na lang nakakuha kami ng isang duct tape doon. Tinape naming yung kamay niya pati paa niya para di na muna siya makapalag at makatakbo habang tumatawag kami ng pulis. Tapos doon, hinintay naming yung mga kaibigan naming na kumuha ng pulis. 
Tinanong naming siya kung ano ang ginagawa niya. Inamin naman niya sa amin at humingi siya ng paumanhin. Pinagtangkaan niyang gahasain si Deniece. Humihingi siya ng paumanhin at huwag daw sana siyang iturn-over sa pulis dahil baka makasira sa career niya at hindi niya raw alam kung paano niya ipapaliwanag sa mga anak niya. So, sabi ko, hindi naman ako makakapagdesisyon niyan dahil hindi naman ako yung victim dito. Dun ka na lang sa presinto magpaliwanag…”  



©2014 Pinoy Expats/OFW Blog Awards

Join Us on Facebook