An Organization of OFWs for the OFWs and The Filipino Family!
"Sponsored Links"
PEBA EXCHANGE RATE,
Search This Site

Wednesday, April 10, 2013

Romance Scam - Beware!






Isang expose ang ginawa ng GMA 7 hinggil sa isa pang scam na karamihang biktima ay mga single, balo o hiwalay na babae.Karaniwang mga nagpapanggap na mga lalaking foreigner na naghahanap ng nobya. Magkakaroon ng palitan sa email at text messages o long distance calls. Kapag napaibig ang babae, kunwari magpapadala ng package ang lalaki ng kung ano-ano mga regalo.

Subalit sasabihan si nobya na naantala at na-hold sa custom ang bagahe. Hihingi si lalaki ngayon ng pera para pantubos o pampadulas at ma-release ang package.

Dito naloloko ang maraming kababaihan at naiisahan. Dahil sa napaibig, nagtiwala sila na wagas ang lalaki sa kaniyang panunuyo at pag-ibig. Kabalintunaan plastik at mang-gagancho pala si lalaki. 

Huwag pong maniniwala agad sa mga tao na nanghihingi ng pera sa inyo lalo pa at napakalaking halaga. Kilalanin munang mabuti ang kausap ninyo bago magtiwala at mahulog ang inyong loob.

Sa panahon ngayon bawal ang naiisahan, maging mapanuri, huwag magpaloko!

Sa mga may FB panoorin ang video at sundan ang mga diskusyon dito:



Related read:






                                                                        ©2013 Pinoy Expats/OFW Blog Awards

Join Us on Facebook