This is a repost from PEBA 2011 NGO Partner, Patnubay Online Blog Post.
Patnubay Mission : To Clear the Car Registration Records of OFW Salmos and Send him Home.
Once again napatunayan natin na ang kakulangan sa kaalaman ang dahilan ng mga problema ng mga OFWs. Ang puno’t dulo ng problemang ito ay yong hindi alam ni Mr. salmos na dapat iclear ang sasakyan kahit na-impound na. At ang kakulangan sa kaalaman naman ng karamihan, maging sa ating mga tauhan ng ating konsulada, sa proceso kung papano resolbahin ang mga ganitong kaso. Sa tulongan natin napatunayan ni Mr. Salmos na napakadali lang pala ng kanyang problema na kung alam nya lang na ganito lang pala ang gagawin ay noon pa sana sya nakauwi.
Maiintindihan natin kung kulang sa kaalaman si Mr. Salmos sa proceso dahil hindi naman sya katulad sa atin na kabisado ang mga batas at proceso dito.. Pero ang hirap tanggapin na walang alam ang ating consulada sa pagresolba ng mga simpleng problemang katulad nito na nailapit sa kanila last October 2011 pa. Or talagang sadya bang pinatagal or mga tamad lamang or wala sa puso ang pagtulong at nakalimutan ang pinanumpaang tungkulin na dapat tulongan tayong mga OFWs.
In all fairness to Congen Garibay, I have strong hope sa kanya na mapabago nya ang mga ugali ng mga tauhan ng ating consulada. Ang kaso ni Mr. Salmos ay napakasimple lamang kung tutuusin.
To Read the rest of the post, read it here:
Thank you! Salamat! Shokran!
©2012 Pinoy Expats/OFW Blog Awards