(Feel free to copy, repost or send this article by email to your blog or network.)
Sikapin kong magTaglish, upang madaling maunawaan ng ating mga kababayan sa kahit anong antas ng lipunan, at sa kahit saan mang panig ng mundo. In the next 10 days, before the May 10 election day, I am pleading for you to reach out to one or more members of your families and inner circle friends to influence, campaign and vote for senatorial candidate Susan “Toots” Ople.
Susan Ople, No. 38 in the voting ballot for senator is a daughter of late Blas Ople - the "Father of OFW’s and Labor Laws". She is an active advocate of migrant workers, tagapagtanggol ng mga OFWs at dating Labor Undersecretary. Kung merong nag-iisang kandidato na nakausap ko, na-meet, and always in touch with - lalo na about OFW issues, ito ay walang iba kundi si Toots Ople.
Susan Ople during our lunch meeting discussing her platforms and support for OFW Jan 2009
Is it possible that the name of Susan Ople rise to the Senate from the vote of the modern day-heroes daw? Is it possible that we can lock atleast 10 million votes from our combined OFW and OFW families votes to elevate Susan Ople’s chances to secure a Senate seat? I think we can.
Susan Ople as Key speaker during the Pinoy Expats/OFW Blog Awards Dec 2009
Paano po natin magagawa ito? Here are some of the suggestions. In the coming days you will be sending thousands of pesos ng pinaghirapan nating pera sa mga mahal natin sa buhay sa Pilipinas. In your conversation, please ask your dad, your mom, your husband, your wife, your brother, your sister, your sons, your daughters, your friends na iboto sa May 10 ang senatoriable No. 38 sa balota, Susan Toots Ople – the OFW Senator!
1. TEXT/SMS
2. Overseas Calls
3. Email Forwarding
4. Chat and Internet Messages (Yahoo, Skype, Gtalk and Hotmail/MSN)
5. Facebook, Friendster, Twitter, Plurk, and other Social Network
6. Forums
7. Organizations/Societies/Clubs
8. Blogs/Notes
9. Home front Campaigning
10. Word of Mouth
Magpadala po tayo ng mga text messages at pwede din po nating i-forward ang mga messages na ito sa sa ating kapamilya at kapuso. Sa pagtawag po natin, pakisambit na iboto nila ang # 38 na pagkasenador sa balota sa si Susan Ople. Sa inyong pakikipagchat sa mga mahal sa buhay sa Yahoo or Skype or Gtalk, pakimention po na iboto nila si Susan Ople sa pagkasenado. Pwede ring iforward natin sa email nila ang article na ito, or ipost natin na nangangampanya tayo na iboto si Susan Ople sa inyong mga status updates at thread ng Facebook, Friendster, Twitter, Plurk at other social networks. Sa ating mga forums, mga organizations at club meetings, maging sa ating mga blogs at notes, wag po natin kalimutan ang # 38, Susan Toots Ople. kailangan ng mga OFW sa buong mundo ng isang tunay na tinig sa loob ng Senado, ihatid natin si Toots sa Senado pamamagitan ng ating mga boto.
Kahit sino po ang ating pangulo na sinusuportahan, at kahit anong partido tayo, iisa lang ang ating bansa, at iisa lang ang ating pangarap. Iisa lang din po ang tumatakbong senador na alam natin na kakampi ng mga OFW. Let Susan Ople’s name rise to the Senate from the votes of the OFW’s. Ipakita po natin sa buong mundo – that we have a collective voice, that we also have a ‘command votes’ and that we too, can make a difference.
To learn more about Susan Ople here.
©2010 Pinoy Expats/OFW Blog Awards