An Organization of OFWs for the OFWs and The Filipino Family!
"Sponsored Links"
PEBA EXCHANGE RATE,
Search This Site

Thursday, May 7, 2009

STEP by STEP GUIDE to PINOY EXPATS/OFW BLOG AWARDS NOMINATION

Marami na ang nagtanong kung papaano nga ba ang pagsali o pagiging nominado sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards. Ang post na ito ay may layuning maliwanagan ang lahat at mabigyan ng step by step na guide para sumali sa PEBA. Ang post na ito ay para sa mga blogger na Expats o OFW kahit saan sa buong mundo.
Brace yourself. After reading this we expect na maraming entries ang mapapasama sa nominees, hope to create a rippling effect para maging malakas na boses at matagumpay sa ating hangaring marinig.
1. Ikaw ba ay qualified na sumali?
o Ang qualified na sumali ay bloggers na Pinoy or half-Pinoy na nagtratrabaho as OFW or expats na nasa sa ibang bansa. Kung ikaw ay nakapag-asawa ng foreigner, pwede ka ring sumali. In short, Filipino by blood and by heart pero wala sa sariling lupa for at least 6 months pwedeng sumali.
o Blogger ka at my archive ng the last 6 months minimum na mga post mo. Updated also ang post mo ng kahit once a month.
o Visible ang yung blogger profile online at email address na active para pwedeng makontak.

2. Kilatisin mo ang iyung blog. Alin sa mga ito ay pasok sa criteria.
o Ang blog mo ba ay nagpropromote ng peace at goodwill?
o Ang blog mo ba ay may kwento ng buhay sa abroad, at makukuhanan ng inspiration tuwa at pag-asa ng mga Pinoy sa buong mundo?
o Ang blog mo ba ay may post na nakapagyaman ng kultura at pamumuhay ng Filipino sa Pilipinas?

3. Gumawa ng Blog post o Entry na may relevance sa tema ng PEBA
o “Filipinos Abroad: Hope of the Nation, Gift to the World.”
Or sa Tagalog,
o Pinoy Expats/OFW: Pag-asa ng Bayan, Handog sa Mundo.
o Kahit anong paraan ng pageexpress ay pwede. Isa or maraming ganito sa post ay pwede.
o Kung ikaw ay may video na naaayon sa tema, post mo na may explanation.
o Kung ikaw ay may picture/photo na naaayon sa tema, post mo ng may explanation.
o Kung ikaw ay magaling magdrawing, magdraw ka ng naaayon sa tema at may explanation.
o Kung ikaw ay mahilig magcompose ng lyrics ng kanta or tula at naaayon sa tema, post mo rin ito.
o Kung ikaw ay may kwento, or may essay, or may article, or prose na naaayon sa tema, post mo rin ito.
o Hindi lamang sa mga namention sa itaas, kahit anong ways ng expression, pagalingan ng ideya, pananaw, adhikain, hinaing, pangarap, mag munting tinig na pag pinagsama-sama at pinagbubuklod-buklod ay nagiging isang higanteng boses para marinig ng mga kababayan saan mang panig ng mundo.
4. Isama ang logo ng PEBA sa post na ito at ilink ang project ng 2009 Search for the Top 10 Pinoy Expats/OFW Blog Awards.

o Logo ng PEBA.
5. Email sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards or PEBA ang peba09@gmail.com or top10pinoyexpatsblog@gmail.com ng link ng inyong post entry.
Kapag kayo ay nakapasok bilang nominee after maverify at macheck ng PEBA representative ang iyong post, you will be given through email a NOMINEE badge to be displayed sa blog mo.

6. Ang iyong entry ay gagawan ng LINK sa HOMEPAGE ng PEBA para sa Botohan.
o Ang iyong Blog Name at URL link ng iyong post entry ay isasama sa Polling Widget sa PEBA homepage.

o Hikayatin ang mga kaibigan, kapuso at kapamilya na iboto ang inyong blog. Hanggang sa sampung blog ang pwede maiboto. One vote per PC/Unit/IP Address only.
o Ang PEBA Pre-screening committee ay pipili ng mga kalahok sa final round. Ang blog post at ang botong makukuha ang pinakabasehan ng pre-judging upang makasali sa FINAL ROUND.

o Form = 20%, Substance = 50%, Originality=30%

o We will also include the Top 10 na mananalo sa poll.

7. Ito ang Criteria at Percentage ng FINAL Judging
· A) Content 30%
· B) Blog Element 15 %
· C) Visibility/Metrics 15 %
· D) Voting/Popularity 10%
· E) Judges Vote 15%
· F) Entry Blog Post 15%
· TOTAL SCORE = 100%

8. Ang pagpost ng entry ay hanggang sa huling araw ng October 2009. Pwede pa pagandahin or dagdagan ang inyong entry kahit napost na ito.

Ang posted entry ay pwede pang maedit hanggang sa huling araw ng October without changing the link of the post.

9. Ang botohan ay hanggang sa 08 November 2009.
10. Ang awarding ay magaganap sa Manila sa December 2009.
Kung kayo ay may karagdagang katanungan kung paano ang pagsali sa PEBA, email lang po sa peba09@gmail.com or magleave ng comment sa post na ito.
Goodluck sa lahat ng kasali. The earlier na sumali the better para makakalap na kaagad ng maraming boto at una sa poll widget. Kaya gawa na ng entry!!! Sali na!!!

©2009  

Join Us on Facebook