Sasagutin ko lang po ang blog mo na naipost sa blog ng Definitely Filipino, screenshot below entitled
Ang blog niyo po ay nakaitalics at ang aking sagot at reaction ay nakahighlight sa blue color.
Hinde ako against sa panawagan nila dahil karapatan natin lahat na isiwalat anuman ang ating nararamdaman at opinion, lalo na kung sa isip natin ay lubos itong nakakaapekto o dagdag-pahirap para sa mga OFW at para sa pamilya nito na naiwan sa Pilipinas ( OFW din po ang aking asawa).
Nabigla ako nung malaman ko na OFW ang asawa mo. Mas nakakabigla sa title ng blog mo. Hayaan mo akong isa-isahin natin at paghihimayin ang bahagi ng iyong post.
Pero ako iba ang sigaw ko;
“Salamat sa Philhealth Pamilya ko ay Natulungan nito nang maraming beses”.
I am not against Philhealth and sa benefits na naidudulot nito sa mga OFW at kababayan natin na may sakit at nagkakasakit. Naniniwala ako na kailangan ng ating bansa ang maayos na healthcare system. Bilang mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo, alam namin kung anong maayos na sistema, at marami tayong mga OFW na professionals na makakatulong sa bansa kung may malinaw at matapat na adhikain ang gobyerno. I am also aware na may mga OFW na nakinabang din at nakikinabang sa Philhealth katulad mo.
Calling Philhealth office, dapat siguro isama ninyo ito sa PDOS dahil mukhang dito kayo nagkulang kaya marami ang nagsasabi na hindi naman nila ito napakikinabangan.
ISAMA sa PDOS ang Philhealth? Doon pa lang maniningil na? Doon magbebenta ng libro para ipaalam sa mga OFW ang mga benepisyo nito? Patuloy akong naniniwala na ang PDOS ay pagandahan ng nakakatawang kwento, at pagandahan ng serbisyo ng bangko. Mas mabuti pang magbasa ka ng blog ng mga OFW bloggers kung saan ka papunta, mas marami ka pang malalaman kaysa sa PDOS.
Pero para sa pahapyaw na kaalaman; ang mga OFW’s na mayroon payment na 120 months at dumating sa retirement period na, automatic ay mayroon na kayong lifetime membership na puwede ninyong magamit kapag napagod na kayo sa pagiging OFW.
Klaruhin natin ito ha, ang OFW na 10 years na nagbabayad kada taon at 60 YEARS OLD na ay magiging LIFETIME MEMBER.
Individually Paying Members, including SSS self-employed and voluntary members, who continued paying premiums to PhilHealth, have reached 60 years old and have met the required 120 monthly premiums as provided for by law;
So kung nag-abroad ka ng 25 ka, at umuwi ka after 10 years, 35 years old ka na, maghintay ka ng 25 years bago ka maging LIFETIME MEMBER. Tama ba? Kung magkakasakit ka at nasa Pinas ka at hindi ka nakapagbayad ngayong taon at 36 years old ka, goodbye, wala ka nang benefits! Tama po ba?
Kapag nandito na kayo sa Pilipinas at mayroon nang mga rayuma na lumala at me Diabetes na dahil sa sarap ng “dates” or chocolates at ice cream na madalas pagbuntunan ninyo ng inyong depression at pagka-homesick.
Para sa akin hindi po maganda ito. I feel pain for those depressed and OFWs who are battling homesickness. Para sa akin, isang panlalait ito sa mga milyon-milyong kababayan natin na nawala’y sa pamilya at mga mahal sa buhay pati na ang iyong asawa. This is a thoughtless, insensitive phrase para ipukol sa mga OFWs na hindi lang nagtitiis sa pagod, bagkus sometimes they are even verbally and physically abused kapalit ng katuparan ng mga pangarap, mabigyan ng maayos na kinabukasan ang mga anak at ginhawa ang mga mahal sa buhay. This is the line that you should have consulted your husband kung tama bang linya kapalit ng mga luhang hindi mo naranasan o nakita sapagkat HINDI ka NAGING OFW!
Parang SSS din iyan na kapag naka 120 months ka ng hulog ay automatic na mayroon kang pension at the age of 60. OO, tama iyang mga nababasa mo na iyan. At marami pa! Umpisahan natin sa actual na experience ko bilang member, kasama ng aking asawa na OFW.
Knock, knock…buksan po muna ang inyong isip at alamin ang mga detalye.
Who’s there? OFW wife who? Binuksan niyo po muna sana ang inyong isipan at inalam ang buhay at sitwasyon ng mga OFW. I feel like you’re out of touch pagdating sa life namin. How ironic that you are a wife of an OFW!
Sa aking sariling opinion, alam ko na marami ang magre- react at baka mabato pa ako ng masasakit o maaanghang na salita (pati na pagmumura, pero okey lang tatanggapin ko dahil mayroon lang akong gustong ipaunawa at dagdag information na din kung ito ay inyong bibigyang-pansin), kaya please lang po sana bigyan ninyo ng kaunting oras ang blog na ito na aking pinagpuyatan para lamang makapaghatid ng saloobin ko sa lahat at maibahagi ito sa inyong mga kapamilya, kaibigan, magulang at sa lahat ng mga hindi pa lubos na nauunawaan kung ano ba talaga ang layunin ng Philhealth sa ating buhay pang araw araw.
This is my blog reaction. And though part of the reactions here are on the negative side, I am also grateful for taking the time to compile the info’s and suggestions you provided.
Nalulungkot ako sa aking mga nababasa na tulad nito: (kaya ako nagdesisyon na iparating sa inyo ang kalinawan)
1. Dagdag pahirap na singil para sa aming mga OFW, hindi naman kami nakikinabang.
2. Hindi totoo yan na pakikinabangan; ang totoo kukurakutin lang ng gobyerno iyan.
At marami pa, na hindi ko na puwedeng isa-isahin dahil hahaba masyado ang blog na ito. Sobra lang akong nalulungkot. Hindi dahil sa increase, kundi dahil sa aking palagay, marami ang hindi pa nakararanas na mapakinabangan ang kanilang membership fee o iyong mga ibinabayad nila sa POEA (makikita po ito sa resibo : Philhealth P1200) bago pa man sila umalis bilang OFW.
“At marami pa, na hindi ko na puwedeng isa-isahin dahil hahaba masyado ang blog na ito. Sobra lang akong nalulungkot. Hindi dahil sa increase, kundi dahil sa aking palagay, marami ang hindi pa nakararanas na mapakinabangan ang kanilang membership fee o iyong mga ibinabayad nila sa POEA”
I highlighted that. Ikaw na mismo ang sumagot sa sarili mong bibig lumabas na marami ngang OFW ang hindi nakikinabang sa Philhealth. Ikaw mismo ang sumagot niyan
Isa din ako sa member ng Philhealth (locally). At lahat ng mga empleyado ko ay member ng Philhealth, aside sa Philhealth member kami lahat, mayroon pang health provider ang kompanya. At salamat dahil nauso ang Philhealth at ang mga Health provider or Health Insurance lalo na sa panahon ngayon.
Ibig sabihin may mga empleyado ka. Anong negosyo mo Ms. Dhors? May mga empleyado ka, ibig sabihin hindi ka isang ordinaryong miyembro ng Philhealth. Employer ka! That says a lot! Ibig sabihin hindi mo nararamdaman ang tunay na saloobin ng mga OFW. Ibig sabihin bago ka nagpost ng blog mo, hindi ka lubos na nagbasa ng mga tunay na hinaing ng mga OFW.
Hayaan mong sagutin ko ang dalawang quote mo sa itaas sa mga hinaing ng mga OFW.
1. Dagdag pahirap na singil para sa aming mga OFW, hindi naman kami nakikinabang.
Do you know how many OFWs are singles? Their parents must be 60 years old before they will become their dependents. They have a much better health insurance as part of their contract from their employers.
Do you know how many OFW families are living abroad? They pay Philhealth, and they have better insurance provided to them by their employers.
Alam mo ba kung ilan according sa survey ang OFW na hindi nakinabang kahit kailan sa Philhealth, maging ang kanilang dependent sa Pilipinas? 8 sa bawat 10 OFW ang HINDI NAKINABANG SA PHILHEALTH.
Magkano ang nirefund sayo ng Philhealth? Matiyaga kang magprocess at magpabalik-balik or baka mga tauhan mo ang nagproprocess pero ang isang OFW, 30 days lang ang bakasyon niyan, katakot takot na papeles pa ang requirements.
2. Hindi totoo yan na pakikinabangan; ang totoo kukurakutin lang ng gobyerno iyan.
Any news about the P114M Philhealth funds that was stolen by the ‘syndicate’? Any news about the P110B Philhealth funds in 2010? If there are 10M OFWs around the world, and we are paying everytime we come home, why Philhealth have only 2.52M OFW members? Where are the other 7.48M OFWs? What happened if there are 8 OFWs na HINDI nakinabang ng kanilang Philhealth, saan napupunta ang pera ng mga OFWs na MANDATORY na sinisingil bago makakuha ng OEC? Hindi mo maiwasan na ang mga OFW ay magsabi ng ganyan. Dala na, manhid na ang OFW sa corruption culture ng bansa. Bawat ahensiya ng gobyerno na may sinisingil na mandatory sa mga OFW, may mga issue ng corruption. Hindi mo maiwasan na sabihin ng bawat OFW na kinukurakot lang, harap-harapan, bago ka makalabas ng NAIA para kang naholdap sa bayaran.
‘Hindi man kayo makikinabang na mga members dahil nasa abroad kayo, pero ang pamilya na naiwan ninyo ang puwedeng makinabang, at kayo na din dahil maiiwasan ninyo ang mangutang nang napakalaki dahil walang pera ang naiwan ninyo sa Pilipinas”.
At kayo na mga OFW, habang nandito kayo sa Pilipinas at nakabakasyon at sa hindi inaasahan ay nagkasakit at wala na ding pera, ngayon ninyo mapakikinabangan ang binabayad ninyo sa Philhealth.
Again, isa na namang insensitive line “walang pera ang naiwan ninyo sa Pilipinas”.
I hope you will find time to edit those lines. I appreciate your desire na makatulong na maunawaan ng mga OFWs ang Philhealth. Nagbabayad kami kahit di namin naunawaan. Pero ang sinisigaw namin is bawal sa batas na magtaas ng mga bayaran ng OFW, bakit sa dalawang taon, sunod-sunod na nagtaas ang Philhealth?
I hope you will find time to edit those lines. I appreciate your desire na makatulong na maunawaan ng mga OFWs ang Philhealth. Nagbabayad kami kahit di namin naunawaan. Pero ang sinisigaw namin is bawal sa batas na magtaas ng mga bayaran ng OFW, bakit sa dalawang taon, sunod-sunod na nagtaas ang Philhealth?
Please blog about that also if you want to help the OFWs.
Image from www.facebook.com/ofwvoice
My plead sa mga kabayan natin, this Philhealth issue is a sensitive topic sa mga OFWs. Wag tayong putak ng putak na hindi sinasaktan yung damdamin ng karamihan. May mga nakikinabang dito, pero iilan lang. Ang ayaw namin ay hindi na nga napapakinabangan ito, panay-panay pa ang increase mula P900, naging P1,200 at sa susunod na taon, doble, P2,400. Wala naman problema sa Philhealth na bayaran. Kung gusto niyo gawin niyong OPTIONAL hindi yung wala na ngang pakinabang sa karamihang OFW dahil may mga kanya-kanyang healthcard naman kami dito sa bansang pinagtratrabahuan, bakit kung magtaas pa walang pakundangan naman at parang SINASAMPAL sa mukha ng bawat OFWs na paalis ng bansa ang MANDATORY fee!
Image from www.facebook.com/ofwvoice
©2012 THOUGHTSKOTO