An Organization of OFWs for the OFWs and The Filipino Family!
"Sponsored Links"
PEBA EXCHANGE RATE,
Search This Site

Tuesday, January 17, 2012

Paano na kaming mga maiiwan?




Repost from LordCM's Blog

Isa sa pinakaimportanteng Ahensya ng Gobyerno ng Pilipinas ang Embahada na matatagpuan sa kahit saang panig ng mundo na may mga Filipino. Sila ang nagiging gabay o bantay ng mga Filipino sa ibang bansa, upang kahit papaano'y maging ligtas ang bawat OFW.

Sa halos walong na taon kong narito sa Palau, Minsan na rin akong nakapunta sa Philippine Embassy, ito ay nuong maexpired ang passport ko. Oo nga't sistema ng Pilipinas pa rin ang pinapairal nila sa Embahada, may mga kaunting kang mairereklamo, pero kung susumahin, mas marami ang magandang gawa kaysa hindi. Tulad na lang ng pagrerenew ng passport, di mo na kailangan pumila o magpaschedule para lang maghintay ng ilang buwan bago makapagparenew ng passport. Kaunting pirma dito, pirma duon, balik ka makalipas ang isang buwan, bago na ang passport mo.

Sa minsan pagpunta ko sa Embahada, dito ko rin nakita ang mga Kababayan nating minaltrato ng kani-kanilang amo. Sila yung mga Kababayan natin nakahanap ng paraan upang makatakas sa kanilang amo at magsumbong sa Embahada. Dahil sa tutuo lang, at sa pagkakaalam ko, Embahada lamang ang makakatulong sa kanila, ito lang ang makakapagbigay proteksyon sa kanila laban sa malulupit nilang amo, at ito lang ang magbibigay pag-asa sa kanila upang makabalik ng Pilipinas at makasamang muli ang kanilang pamilya. Kumbaga, sa Embahada lang sila ligtas sa kapahamakan.



Pero, sadya nga yatang mapaglaro ang tadhana. Nitong nakaraang araw may mga lumabas na balita na kasama ang Palau sa labindalawang bansa na tatanggalan ng Embahada sa kadahilanang kulang sa pondo ang ating Gobyerno.

PHILIPPINES EMBASSY - PALAU

Sa tutuo lang, napakasamang balita ito para sa mahigit apat na libong Filipinong umaasa sa tulong ng ating Embahada. Paano na lang ang mga Kababayan nating minalas at napunta sa mapagmaltratong amo? Saan na sila ngayon pupunta? Saan sila hihingi ng tulong?

Paano na kaming mga maiiwan?

Sana lang umabot ang blog post na ito sa kinauukulan pati na rin ang petisyon na ginagawa ngayon ng The Filipino Community na mapigilan pa ang pag-alis ng Embahada ng Pilipinas dito sa Palau.



©2011 Pinoy Expats/OFW Blog Awards

Join Us on Facebook